Sunday, May 10, 2020

Tuwing Umuulan Pagkatapos ng Ang Huling El Bimbo

Umulan kagabi, sobrang lakas pero saglit lang.  Hindi naman naiibsan ang init na ibinigay ng araw na higit pa sa sobra.

Ilang gabi nang ganon. Yung umuulan ng malakas na para bang galit na galit ang langit. Sobrang lakas ng kulog at sobrang talim ng kidlat. Pero saglit lang palagi ang ulan. Para syang taong nag-aamok na biglang buhos ang sukdulang galit, pagkatapos wala na.

Nakakapagtaka ngayon ang mga bagay-bagay parang lahat sobra. Sobrang init, sobrang lakas pag umulan... sobrang virus.

Pero hindi naman talaga tungkol sa ulan ang dahilan kung bakit nabisita ko ang pensive na eto. Although related sa pinakikinggan kong tugtugin ngayon - "Tuwing Umuulan' version ng Eraser Heads, ang isa sa mga musical genius ng Pilipinas.  Alam ko rin naman na hindi sila original ng kanta na eto pero paumanhin sa original singers and other covers, iba talaga pag Eraser Heads ang nagbigay-buhay, pag sila ang umawit. Ang lalim, nakakalito, nakakapag-isip ka kung ano na naman kaya ang nasa isip nila habang kinakanta nila eto. Bakit kaya kaya nila kinanta eto. Ano kayang nasa isip nila nung isinusulat nila yung mga kanta nilang pag nailabas na ay hindi yata kumukupas?

Siguro eto ding karakter ng Eraser Heads ang dahilan kung bakit napakalakas ng dating sakin matapos kong mapanood ang musical na "Ang Huling El Bimbo". Isang napakalungkot na kwento ng buhay, isang trahedya! Yung ang sakit nya sa dibdib habang pinapanood mo sya. Bukod siguro dahil sa makatotohanan yung kwento, dahil siguro nakikita mo sa stage yung mga tunay na nangyayari sa sarili momg lipunan.  Yung bukod sa trahedya na nakapaloob sa kwento ay pinaikot sya sa mga awiting ng Eraser Heads. Mga napakagandang mga komposisyon, nakakalito, nakakapagtaka... parang buhay lang ng tao.

Nakakalungkot man, nagpapasalamat ako na napanood ko sya. Para kasing sinayang mo ang mga araw mo sa panahon ng pandemya kung isa man doon ay hindi mo inalay para panoorin ang musical na eto... sayang naman. Sabi nga nila, you missed one half of your life kung hindi mo eto napanood lalo na ibinigay eto na libre sa madla.  Hindi mo na kailangan pang magbihis at pumunta sa teatro, magbayad para lang mapanood.

Marami nga palang salamat sa mga henyong nasa likod ng musical na eto at napakaraming pasasalamat din na ibinigay nyo sa amin eto ng walang bayad.

***

PS
Yung totoo, matagal ng mabigat at makabuluhan ang dating sakin ng awit na "Ang Huling El Bimbo".  It defines the tragic life of a one person that I care about. Pero katulad din nang karakter nung tatlong teenagers na kaibigan ni Joy sa musical, hindi ko rin sya kayang harapin kung paano i-handle. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nangyari sa kanya yun at hindi ko rin sya kinayang tulungan.

An Ode To A Man Who I Never Saw Angry

 A man of calm, a gentle soul, Whose anger never took its toll,  A steady hand, a patient heart,  A peace that set him quite apart. Through ...