Wednesday, April 10, 2024

Kumapit Ka Puso

 Kumapit ka puso, 

Huwag kang bibitiw, 

Pakinggan mo ang aking pakiusap,

Na huwag ka munang kumuti-kutitap,

Patuloy ka muna sanang kalmadong tumibok,

At iyo munang i-antala ang mga pagsubok,

Dahil may nangangailangan pang makarinig 

Ng iyong patuloy na pagpintig. 

Kapit lang muna, kapit lang ...

At ang pagbitiw ay saka na lang. 



Tuesday, April 9, 2024

Bulungan Mo Ang Ulan Na Pumarito Sa Aming Bayan

 Kinabukasan matapos ang alingasngas sa saglit na paglalaho ng Haring Araw, 

Isang kaibigan ang nagpahatid ng larawan na kuha sa kanilang bayan,  

Ang paligid ay makulimlim at banaag sa larawan ang sigeng habas ng ulan. 

Samantala sa aking bayan, 

Pawis ay namamaybay sa kasingit-singitan, 

Ng mga nilalalang na umaalala sa mga bayani at kagitingan, 

Ang akin na lamang naipahatid na kahilingan,  

Bulungan mo ang ulan na pumarito sa aming bayan, 

Kahil saglit man lamang at huwag naman sanang kalakasan, 

Yung sapat lamang na mabuwag and alinsangan. 

Kumapit Ka Puso

 Kumapit ka puso,  Huwag kang bibitiw,  Pakinggan mo ang aking pakiusap, Na huwag ka munang kumuti-kutitap, Patuloy ka muna sanang kalmadong...