Sunday, September 3, 2023

Pluviophile

Lunes,

 Ika-siyam ng umaga ngunit ang langit animo'y pahating gabi na.

Pangalawang linggo ng walang habas ang pag-ulan.


 "Hashtag Walang Pasok" ang umaalingawngaw na balita,

Mga mag-aaral ay tuwang-tuwa. 

Subalit ang hindi nila namamalayan,

Ay ang pagkabawas sa oportunidad ng pagkaka-alaman.

 

Ang mga hindi makapangalakal sa kalye,

Mga magtataho, magbabalot, magsa-samalamig,

Ang mga namamalakayang hindi makapamalaot,

Walang kikitaing kabuhayan kahit na karampot.

 

Ang mga magsasakang dati'y nananalangin ng ulan,

Ngayo'y nasa punto na ng pagdalangin ng kabaligtaran.

 

Ang mga namamasadang tsuper na wala na ngang pasahero'y kundi malubog ay  mabalaho,

... at napakarami pang nagdurusa sa dulot na perwisyo ng walang habas na ulan.

 

Sa isang banda naman ay naaayon ang kalangitan,

Sa pakikiramay sa pagluha ng mga nilalang na ang mga puso ay pagod at dumurugo.

 

Sa iba... ang pagtugon sa tawag ng makinilya,

Na tila ang imahinasyon ay muling nalangisan,

upang magnilay-nilay at muling tumipa...

No comments:

Post a Comment

An Ode To A Man Who I Never Saw Angry

 A man of calm, a gentle soul, Whose anger never took its toll,  A steady hand, a patient heart,  A peace that set him quite apart. Through ...