Lunes,
Ika-siyam ng umaga ngunit ang langit animo'y pahating gabi na.
Pangalawang linggo
ng walang habas ang pag-ulan.
"Hashtag Walang Pasok" ang umaalingawngaw na balita,
Mga mag-aaral ay
tuwang-tuwa.
Subalit ang hindi
nila namamalayan,
Ay ang pagkabawas
sa oportunidad ng pagkaka-alaman.
Ang mga hindi
makapangalakal sa kalye,
Mga magtataho,
magbabalot, magsa-samalamig,
Ang mga
namamalakayang hindi makapamalaot,
Walang kikitaing
kabuhayan kahit na karampot.
Ang mga
magsasakang dati'y nananalangin ng ulan,
Ngayo'y nasa punto
na ng pagdalangin ng kabaligtaran.
Ang mga
namamasadang tsuper na wala na ngang pasahero'y kundi malubog ay mabalaho,
... at napakarami
pang nagdurusa sa dulot na perwisyo ng walang habas na ulan.
Sa isang banda
naman ay naaayon ang kalangitan,
Sa pakikiramay sa
pagluha ng mga nilalang na ang mga puso ay pagod at dumurugo.
Sa iba... ang
pagtugon sa tawag ng makinilya,
Na tila ang
imahinasyon ay muling nalangisan,
upang
magnilay-nilay at muling tumipa...