Kinabukasan matapos ang alingasngas sa saglit na paglalaho ng Haring Araw,
Isang kaibigan ang nagpahatid ng larawan na kuha sa kanilang bayan,
Ang paligid ay makulimlim at banaag sa larawan ang sigeng habas ng ulan.
Samantala sa aking bayan,
Pawis ay namamaybay sa kasingit-singitan,
Ng mga nilalalang na umaalala sa mga bayani at kagitingan,
Ang akin na lamang naipahatid na kahilingan,
Bulungan mo ang ulan na pumarito sa aming bayan,
Kahil saglit man lamang at huwag naman sanang kalakasan,
Yung sapat lamang na mabuwag and alinsangan.
No comments:
Post a Comment