Wednesday, October 2, 2024

An Ode To A Man Who I Never Saw Angry

 A man of calm, a gentle soul,

Whose anger never took its toll, 

A steady hand, a patient heart, 

A peace that set him quite apart.


Through storms of life, he stood serene, 

A beacon bright, a tranquil scene.

No fiery words, no harsh retort, 

Just quiet strength, a gentle sort.


He faced the world with grace and ease, 

A calming presence, if you please. 

No tempest raged within his breast, 

He found his peace, and was blessed. 


We watched him walk, we saw him smile, 

A man of peace, for a little while. 

And though we wonder deep inside, 

How he could bear and never hide. 


The anger that we all possess, 

He showed us strength and gentleness. 

A man of peace, a guiding light, 

A gentle soul, both day and night.



~

Dedicated to my father-in-law who joined his Creator on 9.24.2024

Rest in Paradise Papang.



Saturday, May 11, 2024

Gabi Na, Ina

 Gabi na nagmamasa ka pa, 

Sa dami ng nakahilera mong gawin pinili mo pa ang magmasa ng arina, 

Para ano? Para gumawa ng tinapay? Para kanino? 

Hindi mo alam ano? 


Kunwari hindi mo alam na dapat sa mga petsang eto, 

Ay ikaw dapat ang ginagawan ng tinapay, 

Yung espesyal, yung pang may okasyon, 

Para bukas, para sayo. 


Magpahinga ka na, 

Huwag ka nang mag-alala para bukas, 

Hayaan mong sila naman ang mag-alala, 

Kahit bukas man lamang sana, 


Sa Araw ng Mga Ina! 

Wednesday, April 10, 2024

Kumapit Ka Puso

 Kumapit ka puso, 

Huwag kang bibitiw, 

Pakinggan mo ang aking pakiusap,

Na huwag ka munang kumuti-kutitap,

Patuloy ka muna sanang kalmadong tumibok,

At iyo munang i-antala ang mga pagsubok,

Dahil may nangangailangan pang makarinig 

Ng iyong patuloy na pagpintig. 

Kapit lang muna, kapit lang ...

At ang pagbitiw ay saka na lang. 



Tuesday, April 9, 2024

Bulungan Mo Ang Ulan Na Pumarito Sa Aming Bayan

 Kinabukasan matapos ang alingasngas sa saglit na paglalaho ng Haring Araw, 

Isang kaibigan ang nagpahatid ng larawan na kuha sa kanilang bayan,  

Ang paligid ay makulimlim at banaag sa larawan ang sigeng habas ng ulan. 

Samantala sa aking bayan, 

Pawis ay namamaybay sa kasingit-singitan, 

Ng mga nilalalang na umaalala sa mga bayani at kagitingan, 

Ang akin na lamang naipahatid na kahilingan,  

Bulungan mo ang ulan na pumarito sa aming bayan, 

Kahil saglit man lamang at huwag naman sanang kalakasan, 

Yung sapat lamang na mabuwag and alinsangan. 

Sunday, September 3, 2023

Pluviophile

Lunes,

 Ika-siyam ng umaga ngunit ang langit animo'y pahating gabi na.

Pangalawang linggo ng walang habas ang pag-ulan.


 "Hashtag Walang Pasok" ang umaalingawngaw na balita,

Mga mag-aaral ay tuwang-tuwa. 

Subalit ang hindi nila namamalayan,

Ay ang pagkabawas sa oportunidad ng pagkaka-alaman.

 

Ang mga hindi makapangalakal sa kalye,

Mga magtataho, magbabalot, magsa-samalamig,

Ang mga namamalakayang hindi makapamalaot,

Walang kikitaing kabuhayan kahit na karampot.

 

Ang mga magsasakang dati'y nananalangin ng ulan,

Ngayo'y nasa punto na ng pagdalangin ng kabaligtaran.

 

Ang mga namamasadang tsuper na wala na ngang pasahero'y kundi malubog ay  mabalaho,

... at napakarami pang nagdurusa sa dulot na perwisyo ng walang habas na ulan.

 

Sa isang banda naman ay naaayon ang kalangitan,

Sa pakikiramay sa pagluha ng mga nilalang na ang mga puso ay pagod at dumurugo.

 

Sa iba... ang pagtugon sa tawag ng makinilya,

Na tila ang imahinasyon ay muling nalangisan,

upang magnilay-nilay at muling tumipa...

Sunday, May 10, 2020

Tuwing Umuulan Pagkatapos ng Ang Huling El Bimbo

Umulan kagabi, sobrang lakas pero saglit lang.  Hindi naman naiibsan ang init na ibinigay ng araw na higit pa sa sobra.

Ilang gabi nang ganon. Yung umuulan ng malakas na para bang galit na galit ang langit. Sobrang lakas ng kulog at sobrang talim ng kidlat. Pero saglit lang palagi ang ulan. Para syang taong nag-aamok na biglang buhos ang sukdulang galit, pagkatapos wala na.

Nakakapagtaka ngayon ang mga bagay-bagay parang lahat sobra. Sobrang init, sobrang lakas pag umulan... sobrang virus.

Pero hindi naman talaga tungkol sa ulan ang dahilan kung bakit nabisita ko ang pensive na eto. Although related sa pinakikinggan kong tugtugin ngayon - "Tuwing Umuulan' version ng Eraser Heads, ang isa sa mga musical genius ng Pilipinas.  Alam ko rin naman na hindi sila original ng kanta na eto pero paumanhin sa original singers and other covers, iba talaga pag Eraser Heads ang nagbigay-buhay, pag sila ang umawit. Ang lalim, nakakalito, nakakapag-isip ka kung ano na naman kaya ang nasa isip nila habang kinakanta nila eto. Bakit kaya kaya nila kinanta eto. Ano kayang nasa isip nila nung isinusulat nila yung mga kanta nilang pag nailabas na ay hindi yata kumukupas?

Siguro eto ding karakter ng Eraser Heads ang dahilan kung bakit napakalakas ng dating sakin matapos kong mapanood ang musical na "Ang Huling El Bimbo". Isang napakalungkot na kwento ng buhay, isang trahedya! Yung ang sakit nya sa dibdib habang pinapanood mo sya. Bukod siguro dahil sa makatotohanan yung kwento, dahil siguro nakikita mo sa stage yung mga tunay na nangyayari sa sarili momg lipunan.  Yung bukod sa trahedya na nakapaloob sa kwento ay pinaikot sya sa mga awiting ng Eraser Heads. Mga napakagandang mga komposisyon, nakakalito, nakakapagtaka... parang buhay lang ng tao.

Nakakalungkot man, nagpapasalamat ako na napanood ko sya. Para kasing sinayang mo ang mga araw mo sa panahon ng pandemya kung isa man doon ay hindi mo inalay para panoorin ang musical na eto... sayang naman. Sabi nga nila, you missed one half of your life kung hindi mo eto napanood lalo na ibinigay eto na libre sa madla.  Hindi mo na kailangan pang magbihis at pumunta sa teatro, magbayad para lang mapanood.

Marami nga palang salamat sa mga henyong nasa likod ng musical na eto at napakaraming pasasalamat din na ibinigay nyo sa amin eto ng walang bayad.

***

PS
Yung totoo, matagal ng mabigat at makabuluhan ang dating sakin ng awit na "Ang Huling El Bimbo".  It defines the tragic life of a one person that I care about. Pero katulad din nang karakter nung tatlong teenagers na kaibigan ni Joy sa musical, hindi ko rin sya kayang harapin kung paano i-handle. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nangyari sa kanya yun at hindi ko rin sya kinayang tulungan.

Sunday, April 26, 2020

Itlog O Manok?

Noong isang araw pa dapat eto, ang problema nawala ng internet (!@#$^&*!!!!) .

Mabuti na rin naman yun at nabawasan na ang aking emosyon. Hindi na masyadong mabigat ang bagsak ng mga daliri sa keyboards.

Hindi ko lang kasi maintindihan sa nangyaring barilan (o pagbaril ba?) sa isang dating sundalo na ang nakabaril ay (mga) pulis na ang tawag ngayon ay mga frontliners.

Ang daming mga netizen ang napaka-gagaling na kanya-kanyang bigay ng opinion. Lahat bida!  Mga opinion na pag binasa mo ay naka-lihis sa kung ano or sino ba ang kikilingan nila sa larangan ng pulitika. Halos lahat magagaling!

Ako? Hindi ko alam, wala naman kasi ako doon.  Hindi nakita ng actual kong mata kung saan nagsimula at bago umabot sa parteng ipinalalabas na TV.  Hindi ko rin nadining kung ano ang tunay na mga salita na namutawi sa bibig ng magkabilang panig. Kaya wala akong karapatang magbigay ng opinyon.

Isa lang talaga ang hindi ko maintindihan...

Naisip ko lang kasi, hindi ba kaya may mga military at kapulisan sa kalsada ay para proteksyonan ang mga tao sa virus? Para ma-implemento ang ECQ.

Na ang ECQ ay ipinatupad upang mapigilan ang pagkalat ng virus na COVID19.  Upang huwag magka-hawahan ang mga tao... upang huwag mamatay ang mga tao...

So ang tanong ko lang, kung ang purpose ng pagkakaroon ng presensya ng mga military sa ating kalsada ay upang wag tayong mamatay, bakit sya binaril? Bakit sya namatay?

Ano po ba ang mas "mainam"? Ang mamatay sya dahil sa virus o ang namatay sya sa baril?

An Ode To A Man Who I Never Saw Angry

 A man of calm, a gentle soul, Whose anger never took its toll,  A steady hand, a patient heart,  A peace that set him quite apart. Through ...