Noong isang araw pa dapat eto, ang problema nawala ng internet (!@#$^&*!!!!) .
Mabuti na rin naman yun at nabawasan na ang aking emosyon. Hindi na masyadong mabigat ang bagsak ng mga daliri sa keyboards.
Hindi ko lang kasi maintindihan sa nangyaring barilan (o pagbaril ba?) sa isang dating sundalo na ang nakabaril ay (mga) pulis na ang tawag ngayon ay mga frontliners.
Ang daming mga netizen ang napaka-gagaling na kanya-kanyang bigay ng opinion. Lahat bida! Mga opinion na pag binasa mo ay naka-lihis sa kung ano or sino ba ang kikilingan nila sa larangan ng pulitika. Halos lahat magagaling!
Ako? Hindi ko alam, wala naman kasi ako doon. Hindi nakita ng actual kong mata kung saan nagsimula at bago umabot sa parteng ipinalalabas na TV. Hindi ko rin nadining kung ano ang tunay na mga salita na namutawi sa bibig ng magkabilang panig. Kaya wala akong karapatang magbigay ng opinyon.
Isa lang talaga ang hindi ko maintindihan...
Naisip ko lang kasi, hindi ba kaya may mga military at kapulisan sa kalsada ay para proteksyonan ang mga tao sa virus? Para ma-implemento ang ECQ.
Na ang ECQ ay ipinatupad upang mapigilan ang pagkalat ng virus na COVID19. Upang huwag magka-hawahan ang mga tao... upang huwag mamatay ang mga tao...
So ang tanong ko lang, kung ang purpose ng pagkakaroon ng presensya ng mga military sa ating kalsada ay upang wag tayong mamatay, bakit sya binaril? Bakit sya namatay?
Ano po ba ang mas "mainam"? Ang mamatay sya dahil sa virus o ang namatay sya sa baril?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
An Ode To A Man Who I Never Saw Angry
A man of calm, a gentle soul, Whose anger never took its toll, A steady hand, a patient heart, A peace that set him quite apart. Through ...
-
A man of calm, a gentle soul, Whose anger never took its toll, A steady hand, a patient heart, A peace that set him quite apart. Through ...
-
Gabi na nagmamasa ka pa, Sa dami ng nakahilera mong gawin pinili mo pa ang magmasa ng arina, Para ano? Para gumawa ng tinapay? Para kanin...
-
Noong isang araw pa dapat eto, ang problema nawala ng internet (!@#$^&*!!!!) . Mabuti na rin naman yun at nabawasan na ang aking emosy...
No comments:
Post a Comment