So ano na namang kalokohan eto?
Sa dinami-dami nang mga bagay na hindi ko natatapos sa buhay idinagdag ko pa eto. Well, sabi ko nga ako yung taong gustong nililimbag yung mga laman ng isipan ko. Sabi ko nga sa isa sa aking mga pagsusulat, ang aking pagba-blog ay parang "pensive" ni Dumbledore sa movie na Harry Potter. Yung nililipat nya yung mga laman ng utak nya sa isang maliit na planggana. In that way daw kasi, mababawasan ang mga nilalaman ng kanyang isipan. Kung di mo gets, panoorin mo yung movie. You just have to check though kung anong book number or movie series kung nasan yung "pensive".
Sa madaling salita naisipang kong gawin ang "pensive" na eto dahil siguro sa epekto ng pandemic na COVID-19. The 2019 Corona Virus that is currently wrecking havoc sa buong mundo and became a pandemic sa taong eto ng 2020. Napansin mo ba yung pangalan nang pensive na eto? Sakto!
Eh bakit dito eh meron na nga akong mga pensive na matagal nang naka-establish?
Eh kasi nga naisip ko lang na hindi kasi yata bagay ang mga kasalukuyang laman ng utak ko dun sa dalawang pensive ko. Yung isa takbo ng takbo (dati) at yung sa isa namang kahit ang sama-sama na nang mundo puro pagka-positibo pa rin ang gustong ibahagi. Yung mga pensive ko nayun kasi yung nagre remind sakin na napakarami pa ring mainam na nangyayari sa mundo.
So ngayon naisip ko lang kasi...
Isipin mo na lang, sa dinadami ng mga cheap shit thrills na pilit mong isiningit sa hampaslupa mong buhay manggagawa...
Yung pagtawid ng mga dagat ng ilang oras para marating lang ang isang napakagandang isla na hindi mo alam kung may dadamba ba sa iyong dambuhalang pating o kaya dambuhalang lamang-dagat na lalamon sa bangka mo?
Yung pag-akyat mo sa mga bundok at pagpasok sa mga kwebang hindi mo alam kung ano ang magyayari sa ituktok o kung ano man ang sasalubong sa yo sa loob. Na pagkatapos ay nilagnat ka at lumaklak ka ng sandamakmak na Alaxan at paracetamol?
Yung pagsakay mo sa 4x4 na pina-rampa sa mga higanteng sand dunes na pagkatapos tinanong mo sa sarili mo bakit ko ba ginawa yun? At nagbayad pa ako ng sobrang mahal ha? Ano para mamatay?
Yun, yung mga yun, at lahat pa ng mga kalokohang ginawa mo na para sa thrill na halos nakipag-fist bump ka kay kamatayan pero hanggang ngayon buhay ka pa rin?
Tapos bigla na lang dadating si Corona na hindi mo nakikita, kakapitan ka at igugupo ka ng wala kang kalaban-laban? Wag ganun!
Sunday, April 19, 2020
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
An Ode To A Man Who I Never Saw Angry
A man of calm, a gentle soul, Whose anger never took its toll, A steady hand, a patient heart, A peace that set him quite apart. Through ...
-
A man of calm, a gentle soul, Whose anger never took its toll, A steady hand, a patient heart, A peace that set him quite apart. Through ...
-
Gabi na nagmamasa ka pa, Sa dami ng nakahilera mong gawin pinili mo pa ang magmasa ng arina, Para ano? Para gumawa ng tinapay? Para kanin...
-
Noong isang araw pa dapat eto, ang problema nawala ng internet (!@#$^&*!!!!) . Mabuti na rin naman yun at nabawasan na ang aking emosy...
No comments:
Post a Comment